Sunday, January 31, 2010

ang panawagan

noong disyembre, ako po ay nanawagan sa mga mandirigma ng sining pinoy.marami pong salamat sa mga tumugon!!!

heto po ang kopya ng anunsyo:

magandang araw pinas!!!

ikaw na may talento.

trip mo bang magexhibit sa lugar na mas pinahahalagahan ang numero sa jueteng kesa sa monalisa ni da vinci?

trip mo bang ipakita ang iyong obra sa mga taong mas interesado pa sa mga bida ng mga imported na telenovela kesa kina joya,abueva, manansala, amorsolo, at kiukok?

pwes ito na ang iyong pagkakataon!!!

maglilikom po ako ng 50+ artworks mula iba't ibang artist mula sa iba't-ibang panig ng kapuluan at ipapalabas sa mga eskwelahan dito sa ilocos region,para pong mobile exhibition.meron na pong mga teachers at eskwelahan na nagbigay ng interes para isulong ang layuning ito.ang mobile exhibition na ito ipapalabas ko rin po sa mga lokal na pyesta na magkakainteres.
wala po kayong mapapalang financial gain dito dahil ang mga artworks po ay hindi ko ibebenta,NOT FOR SALE.

hindi ko rin alam kong makakatulong ito sa inyong 'art career" dahil ang iyong mga obra ay ipapalabas sa mga "cheap" na lugar kumpara sa mga prestihiyosong walls na kinasasabitan ng iyong mga obra ngayon.

ala rin akong maipapangakong mga bongga, cool, at asteg na opening.ang activity na ito ay purely for educational purpose only at ipromote ang pinoy sining sa masa at malaman na ang art ay hindi nagtatapos sa mga replika ng last supper sa ating mga kusina.

ang alam ko lang ay dadalhin ko ang inyong mga obra dito sa sa kanayunan. kumbaga, magsisilbi silang TOOLS TO FACILITATE LEARNING.malay mo, may isang batang tititig sa iyong obra at mapagtantong mas maganda pala at mas masayang maglaro ng kulay kesa sa numero ng jueteng, baril, at droga.

KUNG INTERESADO KA gawin at isumite ang mga sumusunod:
1 artist 1 painting ONLY
Kahit anong medium basta matibay at kaya ang hirap na dulot ng byahe.mas mainam kung may suportang plywood yung canvas para mas matibay.
open theme.kahit anong tema basta hindi nagbibigay pugay sa negatibong asal at gawain.
with proper label at the back -Title , Size, Medium, Year at internet site ninyo para mabisita ng mga interesado sa ibang obra ninyo.
Sizes of artwork : 18x24 inches. portrait po lahat para uniform
Wrapped -around canvas style/box-type.para uniform,madaling ibyahe.
Short Resume / Bio-Data
artist statement.(pwede rin pong gawin niyong poem yung statement ninyo.)
NO PARTICIPATION FEE!!!
ipadala(mail: snail or express)ang inyong obra sa:

JUAN ELANI TULAS
Old Caltex Station
Hillside, Ricudo, Sinait, Ilocos Sur.2733


due date:feb.1,2010.mas maaga mas maagang maumpisahan at may maipakita akong finish product sa mga tao sa DEPed ilocos at sa mga iba pang institusyung interesado.
note:pakibalot po ng maige yung ipapada, bubblewrap at carton para yun na rin ang gagamitin ko sa pagbyabyahe nito.
retrieval: hindi nyo na po mareretrieve ang inyong mga obra dahil plano ko pong panghabambuhay ang proyektong ito.pagkatapos po ng tour dito sa ilocandia ay ipapasa ko rin sa ibang artist na interesado na ipalabas ang mga naipong obra sa kanilang nayon at lalawigan.

inaasahan ko po ang inyong positibong tugon!!!mabuhay ang sining pinoy!!!

salamat!!!
juanelani*


(*http://juanelani.multiply.com/journal/item/40)

No comments:

Post a Comment