Saturday, November 6, 2010

poster:TAKDANG ARALIN SA INNHS

magandang araw pinas!

ang ating munting proyekto ay lilipat eskwelahan. ito ay ipapalabas sa ilocos norte national high school sa ika-8 hangang 12 ng nobyembre sa taong kasalukuyan. ang palabas ay maguumpisa sa oras na alas-9 ng umaga, lunes, nobyembre 8.

maraming salamat po!
juanelani


Thursday, November 4, 2010

Sunday, October 10, 2010

balita:lipat paaralan

magandang araw pinas!

para po hindi magigimg sagabal sa exam ng mga magaaral. ang paglilipat ng ating munting proyekto ay magaganap sa susunod na semestre.

maraming salamat!
juanelani

Sunday, September 19, 2010

lipat paaralan:paanyaya sa mga interesadong alagad ng sining


magandang araw pinas!

lilipat paaralan na po ang ating munting proyekto sa MMSU-IULS, laoag city.

inaanyayahan ko po ang lahat ng mga interesadong manlilikha ng sining para makibahagi dito.pwede po kayong magsumite/magpadala ng inyong artwork hangang OCt1, 2010 sa:

juanelani tulas
old caltex station
hilside, ricudo, sinait, ilocos sur
Philippines
.

maximum size: 18x 24 inches
medium: open
theme: open
1 piece per artist

pwede po mga lumang obra...

salamat ng marami!
juanelani

Sunday, September 12, 2010

munting pagpapasalamat

magandang araw pinas!

isang maalab na pagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong para maisakatuparan ang ating munting proyekto. nawa'y ang mga ngiti nila ang makapagpupuno sa balon ng pawis na tumulo mula sa inyo....

sa uulitin po muli.

marami pong salamat!
juanelani

Tuesday, August 17, 2010

takdang aralin: OPENING DAY

magandang araw pinas!

mga kaganapan po noong opening ng ating munting proyekto...

palabas pa rin po hanggang agosto 28,2010.

maraming salamat!
juanelani









Tuesday, August 10, 2010

Saturday, July 31, 2010

tampok na mga obra: DANDELISM



TITLE: shrouded secrecy and made mysterious
ARTIST: dandelism
MEDIUM: acrylic on canvas
SIZE: 45 x 51 cms
YEAR: 2010

tampok na mga obra: WALAY
























TITLE: bala ang isinaing bala ang kakainin
ARTIST: walay
MEDIUM: mixedmedia
SIZE: 24 x 32 inches
YEAR: 2010

Thursday, July 29, 2010

tampok na mga obra: PATRIC PALASI
























TITLE: tublay kowboy
ARTIST: patric palasi
MEDIUM: watercolor
YEAR: 2001
SIZE: 10 x 9 inches

Wednesday, June 2, 2010

magandang balita

magandang araw pinas!

aprubado na po yung proposal natin. tuloy-tuloy na po yung proyekto. ang Takdang Aralin: Sining Pinoy ay unang maipapalabas na sa The Museo, Northwestern University, Laoag City sa Agosto 4, 2010.

pwede pa humabol yung ibang gustong sumali.

maraming salamat!
juanelani

Sunday, May 30, 2010

tampok na mga obra: BENEDICTO CABRERA


























title: UNTITLED
artist: bencab
size: 4 x 3 inches
medium: print
year:2003

Thursday, May 13, 2010

tampok na mga obra:MANUEL QUINTO JR
























TITLE: Ti Ayat ni Inang
ARTIST:MANUEL QUINTO JR.
MEDIUM: Gouache
SIZE: 26x19.5 inches
YEAR: 2010

Monday, May 10, 2010

tampok na mga obra: MARK "dungaw" TANDOYOG






















TITLE: emotions

ARTIST: MARK "dungaw' TANDOYOG
MEDIUM: mixed media
SIZE: 12" x 18"
YEAR: 2009

tampok na mga obra:GED ALANGUI























TITLE: garden series

ARTIST: GED ALANGUI
MEDIUM: ink and acrylic on canvas
SIZE: 18 x 10 cm
YEAR: 2003

Tuesday, May 4, 2010

mga pribadong koleksyon

magandang araw pinas!

ang mga pribadong koleksyon ng utol ko na nakatabi sa aking kweba/studio ay isasama ko rin sa naturang proyekto.abangan ang mga litrato ng mga obrang tampok sa susunod na mga post.

maraming salamat!
juanelani

Tuesday, February 2, 2010

ang ideya sa likod ng takdang aralin

magandang araw pinas!

ano ba ang TAKDANG ARALIN:SINING PINOY
simple lang po...
ang mga obra na maiipon mula sa aking panawagan ay ipapalabas at ipapahiram ng libre sa mga eskwelahan para makakatulong sa pagpapaangat at paghahasa sa talim ng utak ng mga estyudante.

ang tanging kapalit ng libreng ekhibisyon ay isang pahina ng buong papel na naglalahad ng mga saloobin, kuro-kuro, pagkaintindi at kung ano-ano pang nararamdaman ng mga estudante habang pinagmamasdan ang mga pyesa. isang mag-aaral kada isang obra.

pwede silang gumamit ng tula, essay, o sa kung saan sila komportable sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.

ang mga maiipong papel ay isusulat ko din dito ng walang edit o pagtatama sa isinulat ng mga estyudante.

maraming salamat!
juanelani

Sunday, January 31, 2010

ang panawagan

noong disyembre, ako po ay nanawagan sa mga mandirigma ng sining pinoy.marami pong salamat sa mga tumugon!!!

heto po ang kopya ng anunsyo:

magandang araw pinas!!!

ikaw na may talento.

trip mo bang magexhibit sa lugar na mas pinahahalagahan ang numero sa jueteng kesa sa monalisa ni da vinci?

trip mo bang ipakita ang iyong obra sa mga taong mas interesado pa sa mga bida ng mga imported na telenovela kesa kina joya,abueva, manansala, amorsolo, at kiukok?

pwes ito na ang iyong pagkakataon!!!

maglilikom po ako ng 50+ artworks mula iba't ibang artist mula sa iba't-ibang panig ng kapuluan at ipapalabas sa mga eskwelahan dito sa ilocos region,para pong mobile exhibition.meron na pong mga teachers at eskwelahan na nagbigay ng interes para isulong ang layuning ito.ang mobile exhibition na ito ipapalabas ko rin po sa mga lokal na pyesta na magkakainteres.
wala po kayong mapapalang financial gain dito dahil ang mga artworks po ay hindi ko ibebenta,NOT FOR SALE.

hindi ko rin alam kong makakatulong ito sa inyong 'art career" dahil ang iyong mga obra ay ipapalabas sa mga "cheap" na lugar kumpara sa mga prestihiyosong walls na kinasasabitan ng iyong mga obra ngayon.

ala rin akong maipapangakong mga bongga, cool, at asteg na opening.ang activity na ito ay purely for educational purpose only at ipromote ang pinoy sining sa masa at malaman na ang art ay hindi nagtatapos sa mga replika ng last supper sa ating mga kusina.

ang alam ko lang ay dadalhin ko ang inyong mga obra dito sa sa kanayunan. kumbaga, magsisilbi silang TOOLS TO FACILITATE LEARNING.malay mo, may isang batang tititig sa iyong obra at mapagtantong mas maganda pala at mas masayang maglaro ng kulay kesa sa numero ng jueteng, baril, at droga.

KUNG INTERESADO KA gawin at isumite ang mga sumusunod:
1 artist 1 painting ONLY
Kahit anong medium basta matibay at kaya ang hirap na dulot ng byahe.mas mainam kung may suportang plywood yung canvas para mas matibay.
open theme.kahit anong tema basta hindi nagbibigay pugay sa negatibong asal at gawain.
with proper label at the back -Title , Size, Medium, Year at internet site ninyo para mabisita ng mga interesado sa ibang obra ninyo.
Sizes of artwork : 18x24 inches. portrait po lahat para uniform
Wrapped -around canvas style/box-type.para uniform,madaling ibyahe.
Short Resume / Bio-Data
artist statement.(pwede rin pong gawin niyong poem yung statement ninyo.)
NO PARTICIPATION FEE!!!
ipadala(mail: snail or express)ang inyong obra sa:

JUAN ELANI TULAS
Old Caltex Station
Hillside, Ricudo, Sinait, Ilocos Sur.2733


due date:feb.1,2010.mas maaga mas maagang maumpisahan at may maipakita akong finish product sa mga tao sa DEPed ilocos at sa mga iba pang institusyung interesado.
note:pakibalot po ng maige yung ipapada, bubblewrap at carton para yun na rin ang gagamitin ko sa pagbyabyahe nito.
retrieval: hindi nyo na po mareretrieve ang inyong mga obra dahil plano ko pong panghabambuhay ang proyektong ito.pagkatapos po ng tour dito sa ilocandia ay ipapasa ko rin sa ibang artist na interesado na ipalabas ang mga naipong obra sa kanilang nayon at lalawigan.

inaasahan ko po ang inyong positibong tugon!!!mabuhay ang sining pinoy!!!

salamat!!!
juanelani*


(*http://juanelani.multiply.com/journal/item/40)